Human rights victims susugod sa Palasyo
MANILA, Philippines – Daan-daang mga biktima ng human rights violations mula sa Mindanao ang inaasahang magmamartsa sa harap mismo ng Presidential Palace (Malacañang) sa Maynila para hilingin ang hustisya sa mga naging biktima ng extra judicial killings sa Mindanao partikular sa North Cotabato.
Ayon kay Norma Capuyan ang chair ng Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato, magsisimulang maglakad ang mga Indigenous Peoples, Moro, peasant communities at ibang sektor bukas hanggang sa November 30, 2015.
Ito ay ang Manilakbayan 2015 kung saan ito na ang ikatlong taon nang isinasagawa.
Sinabi ni Capuyan na ang lahat ng lalahok sa naturang paglalakad ay mga biktima mismo ng militarisasyon at pandarambong at nais nilang hikayatin ang gobyerno na i-pull out ang militar sa mga skwelahan at komunidad na naging unang dahilan umano ng tensyon at kaguluhan sa kani-kanilang mga lugar.
Isisigaw din nila ang hustisya sa pagkamatay ng Italyanong pari na si Father Fausto Tentorio sa Arakan, North Cotabato apat na taon na ang nakalilipas dahil hanggang sa ngayon nananatili pa rin sa Department Of Justice ang kaso at hindi pa rin napaparusahan ang mga salarin sa naturang pangyayari.
- Latest