Pulis nagbaril sa sarili, dedo
NORTH COTABATO, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 43-anyos na pulis matapos itong magbaril sa ulo sa ikalawang palapag ng fast food sa Tacloban City, Leyte kamakalawa ng hapon. Kinilala ang nag-suicide na si SPO2 Ariel Golong Jacobe ng Lolita Village sa nasabing lungsod at nakatalaga sa RSO-Police Regional Office 8. Base sa police report, lumilitaw na bandang alas-3 ng hapon nang magtungo ang biktima sa ikalawang palapag ng fast food para bisitahin ang kanyang misis na dumalo sa seminar/workshop para sa mga teachers. Gayon pa man, umupo ang biktima saka nagbaril sa sarili habang sinisilip naman ang anggulong matinding selos ang isa sa motibo ng biktima.
- Latest