Hijack attempt sa cargo ship, nasilat
NORTH COTABATO, Philippines - Napigilan ang tangkang hijacking sa cargo ship sa bahagi ng karagatan ng Sarangani kahapon matapos makahingi ng tulong sa mga awtoridad ang kapitan ng barko.
Ayon kay Capt. Elvy Elim ng M/V Cecilia V, dinikitan ng dalawang motorized boats ang nasabing barko malapit sa Olanivan Island sa Davao del Sur.
Nang maramdaman ng kapitan na mayroong peligro ay kaagad nitong ipinag-utos sa 22 crew na i-lock ang lahat ng mga posibleng entry points at pumasok sa mga kuwarto at isarado ng maigi.
Nakahingi rin ng tulong si Elim sa Philippine Coast Guard na malapit sa nasabing lugar kung saan rumesponde naman matapos ang isang oras.
Sinabi ng kapitan na halos isang oras din gumala sa loob ng barko ang mga pirata at humihingi ng pagkain subalit tinanggihan niya ito dahil kulang ang kanilang supply.
Sa pahayag ng kapitan na naramdaman din ng mga pirata na paparating na ang mga tauhan ng Phil Coast Guard kaya kaagad linisan ang barko.
Ligtas namang naka-dock sa pantalan ng Barangay Bula sa General Santos City ang M/V Cecilia V na mayroong cargo na 950 metric tons na copra mula sa Mati, Davao Oriental.
- Latest