^

Probinsiya

7 arestado sa drug bust

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlong notoryus na drug peddlers ang nasakote sa isinagawang magkahiwalay na drug bust operation sa Cagayan at Ilocos Sur kamakalawa.?

Si Edzen Sosa Apolinario na sinasabing lider ng gun-for-hire group at ang kanyang syota na si Jessica Tumamac ng Imus City, Cavite ay nasakote ng mga operatiba ng pulisya habang ibinabiyahe ang P60,000 halaga ng shabu at dalawang baril matapos masita sa PNP checkpoint sa Sitio Ayaga, Barangay Lucban sa Abulug, Cagayan. ?

Ayon kay P/Chief Insp. Ronnie Labbao, hepe ng Abulug PNP, si Apolinario na pansamantalang nakalalaya matapos magpiyansa na nasa PNP drug watchlist sa Cagayan.

Nasamsam sa magkasintahang tulak ang 18 plastic sachets na shabu, isang KG-9 cal.45 submachine gun na may silencer, cal. 40 pistol, mga drug paraphernalia, at P43,000 cash na pinaniniwalaang mula sa shabu. ?

Samantala, arestado rin ang mga suspek na sina Jogie Igme, 27; at Elmer Icari, 35, matapos makumpiskahan ng 18 plastic sachets ng shabu, cal.9mm pistol, granada at mga drug paraphernalia matapos ang drug bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Rang-ay, bayan ng Sinait, Ilocos Sur.

Kalaboso rin ang mga suspek na sina Felipe Ingan, 59; Johnson Icari, 39; at si Moises Maccoy Ingan 31, matapos salakayin ang itinuturong drug den sa nasabing bayan.

ABULUG

ANG

BARANGAY LUCBAN

BARANGAY RANG

CHIEF INSP

DRUG

ELMER ICARI

FELIPE INGAN

ILOCOS SUR

IMUS CITY

JESSICA TUMAMAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with