^

Probinsiya

Magkaibigan dinedo ng holdaper

Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA, Philippines – Dalawa-katao ang napatay habang tatlo naman ang nasugatan matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa naganap na panibagong holdapan sa kahabaan ng Arayat-Magalang Road sa Barangay Arenas sa bayan ng Arayat, Pampanga noong Lunes ng madaling araw. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Allan Palomo, hepe ng Arayat PNP, kinilala ang mga napatay na sina Jaymar Bulanadi, 23; at Ronnie Lugue, 21. Naisugod naman sa JBL Regional Hospital ang mga sugatang sina Jayvee De Leon, 23; Arjay Mallari, 23; Rizalyn Paguinto, 23, mga nakatira sa Barangay San Agustin sa bayan ng Sta. Ana, Pampanga. Lumilitaw na magkakasama sa traysikel ang mga biktima mula sa Double J Video Bar nang harangin at holdapin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo. Tumangging ibigay ng mga biktima ang kani-kanilang pera kaya nagalit ang mga hodalper saka sila niratrat. Bago tumakas ay pinutukan din ng mga holdaper ang dumaraang SUV na may plakang ABF-8092 na minamaneho ni Roder Millares ng Brgy. San Antonio, bayan ng Cabiao, Nueva Ecija. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

ALLAN PALOMO

ANG

ARAYAT

ARAYAT-MAGALANG ROAD

ARJAY MALLARI

BARANGAY ARENAS

BARANGAY SAN AGUSTIN

DOUBLE J VIDEO BAR

JAYMAR BULANADI

JAYVEE DE LEON

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with