Driver ng DPWH, dedo sa excavation
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dahil sa kawalan ng mga barikada at warning signs sa mga isinasagawa nilang road repair project, isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasawi nang mahulog habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa isang road excavation na isinasagawa nila sa national highway ng Barangay Maligaya, Echague, Isabela kamakalawa ng gabi. ?
Kinilala ni Chief Insp. Gerald Gamboa, hepe ng PNP Echague ang dead-on-the- spot na si Fernando Marayag Jr., 37, operator ng cement mixer ng DPWH sa Isabela at residente ng Brgy. Pagasa ng nasabing bayan.?
Sa imbestigasyon, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng highway dakong alas-9:30 ng gabi pauwi sa kanilang bahay nang mahulog habang sakay ng motorsiklo nito sa hukay ng isinasagawang road repair project.
Ayon kay Gamboa, walang sapat na warning signs, barikada at bantay ang nasabing project area sa kabila ng peligrosong kalagayan nito sa mga motorista.
?Nangako si DPWH Region 2 Legal Officer Nestor Marallag na papanagutin nila ang responsable sa nangyaring kapabayaan.
- Latest