Biyenan kinatay ng manugang
MANILA, Philippines – Malagim na kamatayan ang sinapit ng 46-anyos na biyenan matapos itong pagsasaksakin ng kanyang manugang na lalaki dahil sa matinding alitan kamakalawa sa Barangay Sinuda, bayan ng Kitaotao, Bukidnon kamakalawa.
Napuruhan sa kaliwa at kanang dibdib ang biktimang si Rizaldo Montes magsasaka at nakatira sa nasabing lugar.
Pinaghahanap naman ang obrerong suspek na si Roco Bato, 26, naninirahan din sa nasabing barangay.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagkasalubong ang dalawa sa barangay road kung saan sumiklab ang mainitang pagtatalo kaugnay sa problemang pampamilya.
Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bigla na lamang pinagsasaksak ng suspek ang kanyang biyenan na duguang bumulagta.
Sa teorya ng pulisya na may malalim na dahilan kaya naganap ang pamamaslang habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest