Obrero bulagta sa onsehan sa droga
QUEZON, Philippines - Pinaniniwalaang onsehan sa iligal na droga ang isa sa motibo kaya pinabulagta ang 36-anyos na obrero matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Malabanban Norte, bayan ng Candelaria sa Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo ang biktimang si Jonathan Catipon ng Barangay Sta. Catalina Norte sa nasabing bayan. Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Art Brual, lumilitaw na nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin ng tandem. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol habang sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo ng gunmen.
- Latest