^

Probinsiya

Pamangkin ng DFA official dinedo na, ninakawan pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na pinatay ang 27-anyos na medical student na sinasabing pamangkin ng opisyal ng Department of Foreign Affair (DFA) matapos itong tadtarin ng saksak ay pinagnakawan pa ng sinasabing kanyang bf sa inuupa­hang apartment sa Sta. Rosa City, Laguna noong Sabado ng hapon.

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng Sta. Rosa City PNP, bandang alauna y medya ng hapon nang matagpuan ni Michell Va­nessa Albano ang bangkay ng kanyang kaibigang si Paulo Miguel Rempis Catalla sa loob ng apartment sa Labrador Subdivision.

Sinasabing si Catalla ay pamangkin ng Philippine Consul General sa Hong Kong na si Bernardita Catalla.

Kinilala naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na si Jun Francis Bertolazo, 19, estudyanrte ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Rosa City.

Inaresto ang suspek base sa closed-circuit television camera (CCTV) footage na kasama nito ang biktima na pumasok sa nasabing apartment noong Huwebes ng gabi kung saan lumabas ito noong Biyernes ng madaling araw na may bitbit na itim na bag.

Inamin naman ng suspek na kasama niya ang biktima base sa CCTV footage pero hindi naman nagbigay ng detalye sa naganap na pamamaslang, ayon pa kay Maclang.

May teorya ang pulisya na si Bertolazo ay “boyfriend” ng biktima, ayon kay Maclang.

Ayon pa kay Maclang na nawawala rin ang relo, Ipad, hindi nabatid na malaking halagang pera, at ilang personal na gamit ng biktima.

Kasalukuyang nakapiit si Bertolazo sa himpilan ng Sta. Rosa City PNP at nahaharap sa kasong pagnanakaw at pagpatay. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

ACIRC

ANG

BERNARDITA CATALLA

BERTOLAZO

CONSUL GENERAL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIR

HONG KONG

JUN FRANCIS BERTOLAZO

LABRADOR SUBDIVISION

MACLANG

ROSA CITY

SANTA ROSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with