4-lalawigan niyanig ng lindol
MANILA, Philippines – Nakapagtala kahapon ang Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng apat na pagyanig sa apat na lalawigan. Unang naitala ang intensity 3.4 magnitude na lindol sa timog kanluran ng bayan ng Looc sa Occidental Mindoro kahapon ng madaling araw. Sinundan ito ng intensity 3.7 magnitude na lindol sa timog silangan ng bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental kahapon din ng madaling araw. Ang ikatlong pagyanig ay naitala sa lakas na intensity 3.9 magnitude na lindol sa timog silangan ng bayan ng Cortes sa Surigao del Sur kahapon ng umaga. Samantala, ang ikaapat na lindol na may lakas na intensity 3.3 magnitude ay naramdaman sa timog silangan ng bayan ng Solsona sa Ilocos Norte bandang alas-8:43 ng umaga. Wala namang iniulat na nawasak na ari-arian na pawang tectonic plates ang pinagmulan kung saan wala ring inaasahang aftershocks.
- Latest