^

Probinsiya

Sa ikalawang pagtatangka… brodkaster tinodas

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang namatay ang isang radio broadcaster nang ito ay pagbabarilin sa ikalawang pagtatangka sa kanyang buhay ng apat na kalalakihan kahapon ng u­maga sa Ozamis City, Misamis Occidental.

Kinilala ni Ozamis City Director Supt. Jerry Tambis ang biktima na si Cosme Maestrado, 49-anyos, broadcaster sa DXOC radio na nakabase sa lungsod.

Naitala ang pamamaslang sa biktima dakong alas-9:15 ng umaga sa harapan ng Quality Shopping Center sa kahabaan ng Washington Street sa panulukan ng Rizal Street, Brgy. 50. 

Sinabi ni Tambis na kasalukuyang kausap ng biktima  ang may-ari ng establisiyemento nang biglang duma­ting ang apat na armadong salarin, dalawa rito ay sakay ng isang motorsiklo na nagsilbing backup habang naglakad lamang ang dalawa na  siyang triggermen.

Agad na pinagbabaril ng mga salarin ang biktima  na nagtamo ng sampung tama ng bala sa katawan, dalawa rito ay sumapul sa kaniyang ulo at isa sa dibdib.

Nagawa pang maisugod sa Medina Hospital sa Ozamis City ang biktima pero binawian din ito ng buhay matapos ang 40 minuto.

Sa tala, ang biktima ay minsan na ring tinambangan noong Nobyembre ng 5, 2011 ng hindi nakilalang mga kalalakihan subalit naka-survive ito.Hard-hitting radio commentator si Maestrado sa Ozamis City.

Kinondena kahapon ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ang pagpaslang kay Maestrado at  iniutos na sa PNP ang pagtugis sa mga suspek.

ACIRC

ANG

BENIGNO AQUINO

COSME MAESTRADO

JERRY TAMBIS

MAESTRADO

MEDINA HOSPITAL

MISAMIS OCCIDENTAL

OZAMIS CITY

OZAMIS CITY DIRECTOR SUPT

QUALITY SHOPPING CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with