^

Probinsiya

Landslide: 3 dedo, 15 nawawala

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang kumpirmadong patay habang 15 naman ang nawawala na  karamihan ay minero matapos matabunan ng tone-toneladang putik ang pitong kubo sa minahan sa Sitio Elizabeth, Barangay Taneg sa bayan ng Mankayan, Benguet kamakalawa ng umaga. ?

Sa ulat ni Cordillera Office of the Civil Defense Regional Director Andrew Alex Uy,  unang narekober ang bangkay ni Crispin Ablao matapos lumutang sa ilog noong Sabado habang narekober naman ang mga katawan nina Felimon Adcapan at Armando Duyao kamakalawa ng tanghali.?

Kabilang sa mga minerong natabunan ng tone-toneladang putik ay sina Ronaldo Angel, Paulita Angel, Ronald Paul Angel, Jasper Olivarez, Jonie Foster, Marpety Tu­malban, Crisanto  Ablao, Nardo Mocnangan, Marvin C. Baturi, Harold Baturi, Rocky Mangrubang, John Aluyan Jr., Jose Aluyan, Mark Balicdan, at si Efren Balicdan.

Isinara naman ang bahagi ng Km 16 sa Halsema Highway sa bayan ng Mankayan dahil sa patuloy na banta ng landslides.?

Pansamantalang  ipinatagil ang search and rescue operations sa mining site dahil sa makapal na hamog at walang humpay na buhos ng ulan.

ANG

ARMANDO DUYAO

BARANGAY TANEG

CORDILLERA OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE REGIONAL DIRECTOR ANDREW ALEX UY

CRISPIN ABLAO

EFREN BALICDAN

FELIMON ADCAPAN

HALSEMA HIGHWAY

HAROLD BATURI

JASPER OLIVAREZ

JOHN ALUYAN JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with