^

Probinsiya

Totoy dedo, 3 utol grabe sa kinaing kamote

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 3-anyos na bata habang ospital naman ang binagsakan ng tatlo pa nitong kapatid matapos na malason sa kinaing nilagang kamoteng kahoy sa kanilang bahay sa Sitio Lebanon sa Barangay Gli Gli, bayan ng Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Sa impormasyong nakarating kay P/Insp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP, kinilala ang namatay na bata na si Mama Payag

Patuloy namang ginagamot sa pagamutan ang mag-utol na sina Halid, 12; Alibai, 10; at ang 5-anyos na si Asrafiah.

Nabatid na pasado alas-5 ng hapon nang lutuin ang kamoteng kahoy at pagsaluhan ng pamilyang Payag.

Ilang minuto ang nakalipas ay agad na nakaranas ng pagkahilo, papanakit ng tiyan at pagsusuka ang mga biktima kaya isinugod sa Cruzado Hospital sa nabanggit na bayan.

Nakaranas din ng kahalintulad na sitwasyon ang mga magulang ng mga bata su­balit di-na nagpadala sa ospital. Sinasabing nabili lamang sa palengke ang kamoteng kahoy at pinagsaluhan bilang hapunan ng pamilya Payag.

vuukle comment

ACIRC

ALIBAI

ANG

BARANGAY GLI GLI

COTABATO (NORTH)

CRUZADO HOSPITAL

MAMA PAYAG

NORTH COTABATO

PAYAG

PIKIT

SINDATO KARIM

SITIO LEBANON

SOCCSKSARGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with