Bagets nilamon ng ice crusher
MANILA, Philippines – Mistulang na giniling na karne ang katawan ng isang 17-anyos na binatilyo matapos na siya ay lamunin ng makina dumudurog ng yelo o ice crusher sa fish port ng Brgy. Dugcal, Camaligan, Camarines Sur.
Ang nasawi ay kinilalang si Angelo Tacorda, residente ng Zone 2, Brgy Bagacay, Tinambac, Camarines Sur.
Sa imbestigasyon, dakong alas-7:45 ng gabi ay pumunta ang biktima sa nasabing lugar kasama ang kaibigan na si Norman Almadin,17 para kumuha ng durog na yelo na ginagamit sa paglalagay sa mga nahuling isda.
Habang namumulot ng mga durog na yelo ang biktima sa makina ay biglang umikot ang makina dahilan upang kainin ang kamay ng biktima.
Sa sobrang taranta at takot ni Almadin ay hindi nagawang matanggal mula sa pagkakasaksak ang nasabing ice crusher kaya’t unti-unting nilamon ang biktima ang kalahating katawan nito bago tuluyang mapatay ang switch.
Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kung sinadya o aksidente lamang.
- Latest