Pari inutas habang nagdya-jogging!: Kaibigang trader malubha…
TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patay ang isang pari ng Iglesia Independiente habang malubhang nasugatan ang kaibigan nitong negosyante makaraang tambangan at pagbabarilin habang nagdya-jogging sa Brgy. 27, Pasuquin, Ilocos Norte kamakalawa. ?
Sa report kay Sr. Insp. Jayson Batuyong, hepe ng Pasuquin Police, dakong alas-7:30 ng umaga nang salubungin at paputukan ng pinaniniwalaang hired killer ang biktima na kinilalang si Fr. Tante Balbas na siyang pangunahing target bago niratrat ang kasama nitong negosyante na si Joel Alapit at saka mabilis na tumakas.?
Si Balbas ay nasawi habang ginagamot sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital sa Laoag City habang inoobserbahan naman ang kondisyon ni Alapit. ?
Bago malagutan ng hininga, nagawa pa umanong sambitin ng pari sa mga alagad ng batas ang bumaril sa kanya na nagngangalang Isagani Aguila, 37, na kaalitan niya sa usaping agawan sa lupa at minsan na rin umanong pinagbantaan ang kanyang buhay.
- Latest