^

Probinsiya

P 8.2-M pekeng sabon nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P8.2 milyong halaga ng mga pekeng detergent bars  ang nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos na salakayin ang dalawang bodega sa Davao City noong Miyerkules.Sa pahayag ni PNP-CIDG spokesperson P/Chief Inspector Elizabeth Jasmin, magkakasunod na sinalakay ng CIDG operatives ang dalawang bodega na pinag-iimbakan ng mga pekeng detergent bar na may tatak na ‘Champion. ’Sinasabing pineke ng sindikato ang orihinal na brand ng Champion detergent bar at saka ibinenta sa nasa­bing lungsod at iba pang lugar sa Davao. “The implementation of search warrant in Davao regarding infringing or unfairly competing Barato detergent bar which are identical to or substantial reproduction of the copyrighted Champion detergent bar layout owned by Peerless Products? Manufacturing Corp.,” pahayag pa ni Jasmin.Nabatid  na aabot sa 8,019 kahon ng Barato bar at iba pang Ganda Soap na kinabitan ng Champion ang pineke ng  sindikato  na nagkakahalaga ng P 8.2 milyon.Ayon pa kay Jasmin, sa ilalim ng pangalang Champion ay ikinabit ang pangalang Barato Bar kaya nagawa pa rin itong ipagbili.Nahaharap ang nasabing kompanya sa kasong paglabag sa Section 170 (Unfair  Competition Rights, Regulation and Remedies)  kaugnay ng Republic Act (RA) 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).

ANG

BARATO BAR

CHIEF INSPECTOR ELIZABETH JASMIN

COMPETITION RIGHTS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAVAO

DAVAO CITY

GANDA SOAP

INTELLECTUAL PROPERTY CODE OF THE PHILIPPINES

MANUFACTURING CORP

PEERLESS PRODUCTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with