^

Probinsiya

Niyogyugan Festival sinimulan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Nagsimula na ang 3rd Niyog­yugan Festival na pinangunahan nina Governor David “Jay-Jay” C. Suarez, Unang Ginang Anna Villaraza-Suarez, 3rd District Congresswoman Aleta Suarez at si ex-Rep. Danilo Suarez ng Lucena City, Quezon

Kabilang sa matutungha­yan ay ang Agri-Tourism Trade Fair, mga kandidata ng Bb. Niyogyugan 2015, pagluluto ng santan (matamis na bao) sa Quezon, iba’t ibang produkto at pagkain na ipagmamalaki ng lalawigan, float at street dancers at ang blood letting at medical mission sa BJMP-Provincial Jail.

Ang pinakatampok na aktibidad ay ang Niyogyugan Grand Parade na magsisimula sa SM City Lucena at magtatapos sa Quezon Convention Center sa Sabado ng tanghali.

Tampok sa naturang parada ang pagandahan ng float at street dancers ng iba’t ibang bayan na mag­papamalas ng kani-kanilang produkto, tradis­yon at kultura.

Samantala, isasagawa ang pagbibigay pugay sa yumaong Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang bantayog sa Perez Park sa  Miyerkules ng umaga (Agosto 19).

Gayundin, idaraos sa Queen Margaret Hotel ang pagbibigay parangal sa mga natatanging Quezonian na nagbigay ng malaking kontribusyon at dangal sa nasabing lalawigan.

ACIRC

AGRI-TOURISM TRADE FAIR

ANG

CITY LUCENA

DANILO SUAREZ

DISTRICT CONGRESSWOMAN ALETA SUAREZ

GOVERNOR DAVID

LUCENA CITY

MIMAROPA

NIYOGYUGAN GRAND PARADE

PANGULONG MANUEL L

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with