^

Probinsiya

Bihag na barangay chairman pinugutan ng Abu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinugutan ng mga bandidong Abu Sayyaf ang hinostage na barangay chairman sa Sulu na dinukot ka­sama ng dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard sa Dapitan City, Zamboanga del Norte noong Mayo, ayon sa opisyal kahapon.

Kinumpirma ni Col. Allan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu ang pagpugot sa biktimang si Chairman Rodolfo Buligao ng Barangay Aliguay Island sa Dapitan City.

Dakong alas-9:45 ng gabi noong Martes nang matagpuan ang bangkay na walang ulo ni Buligao sa bahagi ng Brgy. Lunggang sa bayan ng Maimbung, Sulu.

Natagpuan ng tropa ng militar at pulisya sa ibabaw ng bangkay ng biktima ang papel na may nakasulat na - “Rodolfo Buligao, Brgy. chairman ng Brgy. Aliguay Island, Dapitan City, Zamboanga del Norte.

Gayon pa man, sa search operation ng security forces natagpuan naman ang ulo ng biktima dakong alas-10 ng gabi na itinapon sa may di-kalayuan sa kinatagpuan sa bangkay.

Lumilitaw sa imbestigasyon na hindi nakabayad ng P10 milyong ransom ang pamilya ni Buligao kaya pinugutan ito ng mga bandido.

Nabatid na ikinabit na ng mga doktor sa Sulu Integrated Provincial Health Office ang ulo ng biktima at ibiniyahe na patungo sa Zamboanga City para maihatid sa kaniyang pamilya.

Si Buligao ay dinukot ng mga bandido kasama ang dalawang PCG na sina SN2 Gringo Villaluz at SN1 Rod Pagaling noong Mayo 4 sa Dapitan City, Zamboanga del Norte kung saan ang mga bihag ay itinago sa Sulu.

Sa kasalukuyan, patuloy ang search and rescue ope­rations sa dalawang PCG men at iba pang bihag ng mga bandido sa Sulu.

Nauna nang humingi ng P10-M ransom kada bihag ang mga bandido kapalit ng pagpapalaya matapos itong i-post sa facebook na ipinakikita ang video footage ng tatlong hostage.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ACIRC

ALIGUAY ISLAND

ALLAN ARROJADO

ANG

BARANGAY ALIGUAY ISLAND

BRGY

BULIGAO

DAPITAN CITY

NORTE

ZAMBOANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with