^

Probinsiya

Pangulo ng Clark Deve­lopment Corporation kakasuhan sa Ombudsman

Pilipino Star Ngayon

CLARK FREEPORT, Pampanga, Philippines – Nakatakdang magsampa ng kasong kriminal at administratibo ang mga lider ng katutubong Aeta sa tanggapan ng Ombudsman laban sa pamunuan ng Clark Deve­lopment Corporation dahil sa sinasabing pagbalewala nito sa Ancestral Domain Law.

Ayon kay Juvylyn Margarito, spokesperson ng Aeta communities ng Mabalacat City, Pampanga at sa bayan ng Bamban, Tarlac, inihahanda na ang mga dokumentong gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kaso sa Office of Ombudsman laban kay CDC President and CEO Atty. Arthur Tugade.

Bukod sa pagbalewala sa nasabing batas ay pinagbantaan ang mga Aeta na nakatira sa mga nasabing lugar.

“Binantaan kami ng CDC na kakasuhan kapag ipinagpilitan naming angkinin ang ancestral lands na sinasabing bahagi ng Freeport area. Inaalisan na nila kami ng karapatan sa aming lupa,” paliwanag ni Margarito.

Kinukuwestion din ng mga Aeta ang JMA Joint Management Agreement na inihalintulad ni Margarito sa isang gamot na mahirap lunukin sa ginawa noong 2007 pero hindi ito nai­pa­tu­pad dahil sa kawalan ng implementing rules and regulations.

“Kung tutuusin, ang JMA ay sama-sama sa pamamahala sa pagitan ng CDC at mga tribo ng Aetas na naninirahan sa palibot ng Freeport,” dagdag pa ni Margarito

Nanawagan din ang mga Aeta kay pangulong Noynoy Aquino na sana ay mabigyan ng pansin ang kanilang hinain bago ito bumaba sa kanyang puwesto.

Sinabi pa ni Margarito na patuloy nilang ipaglalaban ang karapatan ng mga lider ng Aeta laban sa CDC na mamuhay sa sariling lupain na walang pangambang hinaharas ng mga opisyal ng Freeport. Gary Bernardo

ACIRC

AETA

ANCESTRAL DOMAIN LAW

ANG

ARTHUR TUGADE

CLARK DEVE

GARY BERNARDO

JOINT MANAGEMENT AGREEMENT

JUVYLYN MARGARITO

MARGARITO

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with