^

Probinsiya

6 pekeng NBI tiklo sa pangongotong

Pilipino Star Ngayon

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng anim na kalalakihan na pawang impostor na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI)  matapos itong madakip habang nangongotong sa ilang KTV bar sa Barangay Malabanias, Angeles City, Pampanga kamakalawa ng gabi.??

Pormal na kinasuhan ni P/Chief Insp. Ferdinand Aguilar, hepe ng Criminal Investigation ang Detection Team (CIDT) ang mga suspek na sina Jover Roque y Omega, Lito Valdez y Suguitan, Edgar Allan Rivera y Villalon, Teofilo Soriano Jr. y Pariag, Jeffrey Alipio y David, at si Jonathan Obedoza y Castillo na sinasabing nakatalaga sa NBI-Nueva Ecija.

Ayon kay Aguilar, ang mga suspek ay inaresto ng pangkat ni Aguilar matapos ireklamo ng negosyanteng Koreano  sa Angeles City kaugnay sa pagsasagawa ng random inspections na walang kaukulang papeles sa mga establisyemento ng mga kapwa niya Koreano.

Napag-alamang inakusahan ng mga suspek ang ilang trader na Koreano na sangkot sa anti-human trafficking.??

Sinasabing nangongotong din ang mga suspek sa mga may ari ng establisyemento kabilang ang hindi pagbaba­yad ng bill na kanilang kinain pulutan at alak.

Nasamsam sa mga suspek ang kani-kanilang baril, mga bala, mga pekeng tsapa ng NBI, at ang ginagamit sa modus operandi na Mitsubishi Adventure na may plakang (DVG-499).

AGUILAR

ANG

ANGELES

ANGELES CITY

BARANGAY MALABANIAS

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION

DETECTION TEAM

EDGAR ALLAN RIVERA

FERDINAND AGUILAR

KOREANO

MGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with