^

Probinsiya

Suspek sa coed slay tukoy na pangalan ng apo ng gobernador ginamit...

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  –  Tinukoy na kahapon ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa 19-anyos na college student kung saan ginamit pa nito ang sinasabing pangalan ng apo ng gobernador ng La Union para pagtakpan ang mga nauna nitong kasong kriminal sa Cauayan City, Isabela at sa Gapan, Nueva Ecija.

Sa pahayag ni P/Senior Insp. Joseph dela Cruz, hepe ng Sarrat PNP, ginagamit ang mga pangalan ng maimpluwensiyang tao ng suspek  na si Victorino Mangabat Jr. upang mapaniwala ang kanyang bibiktimahin at isa na rito ay ang paggamit ng pangalang Francis Domingo Ortega na sinasabing apo ng nasabing gobernador.?

Naunang sinabi ng hepe ng pulisya na negatibo ang kanilang ginawang pagsisiyasat kung may kaugnayan ang suspek sa gobernador ng La Union. ?

Bukod sa apelyidong Ortega ay gumamit din ng pangalang Jay Ar Mangabat ang suspek na may mga naka­binbing kasong estafa sa mga nabanggit na lugar.

Maging ang plaka ng SUV na huling ginamit ng suspek nang gabing pinatay ang biktimang si Jemima Keiza Mata Andres ay pinaniniwalaang peke rin, ayon pa kay Dela Cruz.?

Matatandaan na ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa bakanteng lote sa Barangay San Cristobal,  Sarrat noong Lunes ng umaga na may tama ng bala sa ulo. 

Naniniwala ang mga imbestigador ng pulisya na ang suspek na si Mangabat ang nag-text sa ama ng biktima at mga kaibigan nito ng nanghihingi ng pera gayong hindi na narekober ang cellphone ng dalaga.

Nang puntahan ng mga ope­ratiba ng pulisya ang boar­ding house ng suspek ay wala na ito kasama ang kanyang pamilya nang sumunod na araw matapos matagpuan ang bangkay ng dalaga.?

Sinabi pa ni Dela Cruz na isang buwan pa lamang naninirahan sa Batac City ang pamilya ng suspek kaya walang sinumang nakakilala sa kanila.

ACIRC

ANG

BARANGAY SAN CRISTOBAL

BATAC CITY

CAUAYAN CITY

DELA CRUZ

FRANCIS DOMINGO ORTEGA

JAY AR MANGABAT

JEMIMA KEIZA MATA ANDRES

LA UNION

SUSPEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with