ARMM governor, solon nakaligtas sa bombing
MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na kamatayan sina ARMM Govenor Miujiv Hataman at kapatid na Congressman Jim Hataman habang nagutay naman ang katawan ng isang sundalo sa naganap na pagpapasabog sa kahabaan ng highway sa Barangay Lagayas, bayan ng Tipo-Tipo, Basilan kamakalawa ng umaga.
Sa ulat ng Joint Task Group Basilan, kinilala ang namatay na sundalo na si Corporal Hadjulla Manda ng Army’s 64th Infantry Battalion.
Bandang alas-10 ng umaga ng sumambulat ang bomba sa gilid ng highway ng Tipo-Tipo ilang minuto matapos namang dumaan ang convoy ng mag-utol na Hataman na patungo sa bayan ng Sumisip para ayusin ang sigalot sa pagitan ng magkalabang angkan.
Patuloy namang iniimbestigahan ng security forces ang posibleng kinalaman ng mga bandidong Abu Sayyaf sa pagpapasabog.
May teorya si Gov. Hataman na siya ang puntirya ng bombing kaya lamang ay wala sa tiyempo ang pagsabog.
- Latest