^

Probinsiya

6 lindol tumama sa Davao

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim na katamtamang lakas na pagyanig ang tumama sa bayan ng Santo Tomas, Davao del Norte, simula noong Sabado ng gabi hanggang Linggo ng hapon. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang pagyanig ay umabot sa magnitude 4.6 sa may 28-kilometrong layo sa hilagang bayan ng Santo Tomas noong Sabado ng gabi. Naramdaman ang lakas na Intensity 4 sa bayan ng Santo Tomas habang Intensity 3 naman sa Davao City.  Kasunod nito, apat pang pagyanig ang naitala sa nasabing bayan na magnitude 3.5 habang magnitude 3.2 kahapon ng madaling araw. Naitala rin ang magnitude 3.4, 3.7 at magnitude 3.5 kahapon. Sa mga nasabing pagyanig ay wala namang napaulat na nasaktan at nawasak na ari-arian.

DAVAO

DAVAO CITY

KASUNOD

LINGGO

MAGNITUDE

NAITALA

NARAMDAMAN

NORTE

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

SABADO

SANTO TOMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with