P15-M shabu narekober sa Batanes
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Umaabot sa P15 milyong halaga ng shabu na ibinaon sa dalawang talampakang lalim na hukay sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa kagubatan ng Mt. Iraya, Sitio Diohangu sa Barangay San Joaquin, bayan ng Basco, Batanes kamakalawa. ?Ang drug haul ay ikalawa sa pinakamalaking nakumpiskang droga simula noong Pebrero 2015 matapos masamsam ang P3.5 bilyon mula sa nalansag na shabu laboratory sa bayan ng Lasam, Cagayan. Ayon kay Batanes PNP Director P/Senior Supt. Edgardo Pamittan, inilagay ang droga sa apat na plastic bags na tumitimbang ng 2.6 kilo kung saan isinilid sa ziplocked pouch. May teorya si PDEA Cagayan Valley Director Derrick Carreon na ginagawang imbakan ng droga ang paanan ng kabundukan sa nasabing bayan. Pinaniniwalaang may iba pang lugar ng droga sa nasabing lugar kung saan hinahalughog na ng pulisya.
- Latest