State of calamity sa Zamboanga City
MANILA, Philippines — Isinailalim sa state of calamity ngayong Huwebes ang Zamboanga City dahil sa tagtuyot.
Inaprubahan ng city council ang pagdedeklara nito at ang pagpalabas ng pondo upang masolusyunan ang problema.
Nakatakdang magsagawa ng cloud seeding ang lokal na pamahalaan base na rin sa mungkahi ng Bureau of Soils and Water Management ng Department of Agriculture's (DA).
Ayon sa agriculturist ng lungsod ay nasa P132.54 milyong halaga ng pananim sa 8,924 hektaryang lupain ang naapektuhan ng tagtuyot.
Sa 25 irrigation dams ng lungsod ay siyam na ang natuyo, habang anim ang nasa critical condition, habang 10 ang nasa normal na lebel.
Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na magdudulot ng tagtuyot ang El Niño na inaasahang magtatagal hanggang kalagitnaan ng taon.
- Latest