^

Probinsiya

Misis inutas ng selosong mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matin­ding selos ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 32-anyos na misis ng kaniyang mister sa  loob ng kanilang bahay sa Diamond Subdivision, Angeles City sa Pampanga kahapon ng tanghali.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si  Mylene Angeles habang pinaghahanap naman ang 57-anyos na suspek na si Ike Angeles, retiradong US Navy.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Eden Ugale na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-12:30 ng tanghali nang iparating ng 12-anyos na totoy sa himpilan ng pulisya ang pagpaslang sa kaniyang ina.

Sa salaysay ng bata sa pulisya, kauuwi lamang umano niya mula sa eskuwelahan nang makarinig ng putok ng baril habang papasok sa trangkahan.

Nang pumasok ang bata sa kanilang bahay ay nakitang nakabulagta na sa banyo ang ina na umaagos ang dugo sa ulo.

Samantala, nagmamadali namang tumakas ang kaniyang ama na sumakay ng traysikel bitbit ang 2-anyos nitong kapatid na babae habang naiwan naman ang 10-buwang sanggol na kapatid.

Ayon kay Ugale, pansa­mantala namang isinailalim sa kustodya ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) ang dalawang anak ng mag-asawa.

vuukle comment

ANGELES CITY

AYON

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

DIAMOND SUBDIVISION

EDEN UGALE

IKE ANGELES

MYLENE ANGELES

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with