La Union niyanig ng lindol
MANILA, Philippines – Isa na namang paglindol ang naramdaman sa bahagi ng La Union kamakalawa ng gabi. Ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bandang alas-10:37 ng gabi nang yanigin ng magnitude 4.6 ang karagatan na may layong 48-kilometro sa hilagang kanluran ng bayan ng Luna, La Union. Naramdaman naman ang intensity 3 na lindol sa bayan ng San Fernando, La Union at maging sa Baguio City. Nagkiskisang plates sa ilalim ng lupa ang pinagmulan ng lindol. Wala namang iniulat na nasaktan o nasirang ari-arian sa pagyanig.
- Latest