^

Probinsiya

TRO inalmahan ng recall election petitioners

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines  - Hinamon kahapon ng mga nagpetisyon sa recall ang kampo ni Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado na maglabas agad ng ebidensiya ng mga kumakalat na ulat na maraming doble at pekeng pirma sa petisyon na isinampa laban sa kanya.

“Kung mayroon kaming tinatago, hindi namin ipaglalaban na ituloy ang beripikasyon ng mga pirma kung mayroon kaming kalokohang ginawa para rito, kung kumbinsido si Alvarado na mayroong mga pekeng pirma ay bakit hinaharang niya ang beripikasyon na itinakda sana noong Marso 9,” pahayag ng main petitioner na si Perlita Mendoza

Napag-alamang naglabas ng temporary restraining order (TRO) si Judge Guillermo Agloro ng Bulacan Regional Trial Court matapos magpetisyon si Gov. Alvarado.

Umalma naman ang mga nagpetisyon kay Gov. Alvarado dahil sa sinasabing pananakot sa mga pumirma at sapilitang pagpapapirma ng affidavit  upang bawiin lang ang kani-kanilang lagda.

Ayon pa kay Mendoza, hanggang ngayon ay walang isinasapublikong paliwanag si Gov. Alvarado kaugnay sa mga kaso ng  katiwalian na kinakaharap sa Ombudsman.

Hinamon din ni Mendoza si Gov.Alvarado na huwag nang pigilan ang nakatakdang recall election.

ALVARADO

AYON

BULACAN GOV

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT

HINAMON

JUDGE GUILLERMO AGLORO

MENDOZA

PERLITA MENDOZA

WILHELMINO ALVARADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with