^

Probinsiya

Takot sa parak, binatilyo nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahilan umano sa takot sa  parak, sabog ang bungo ng isang 17 anyos na binatilyo matapos itong mag-suicide nang magbaril sa sentido sa Purok 5, Brgy. 9, Malaybalay City, Bukidnon kamakalawa.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10, kinilala ang biktima na si Noe Cibulo, dead-on-the- spot sa tinamong tama ng bala ng cal 5.56 homemade pistol sa kaliwang bahagi ng kaniyang sentido na naglagos sa kanang ulo nito.

Bandang alas-4 ng ha­pon ng mangyari ang insidente sa loob ng tahanan ng pamilya Cibulo.

Sa imbestigasyon, bago ito ay nanginig umano sa matinding takot si Noe ng makitang may nagrorondang parak sa kanilang lugar.

Kasunod nito ay nagkulong ito sa kuwarto at nagulantang na lamang ang mga magulang nito ng makarinig ng putok ng baril.

Sa testimonya ng mga magulang ng biktima sa himpilan ng pulisya, ma­ging sila man ay nagtataka umano dahilan sa tuwing makakakita ng nakaunipormeng parak ang kanilang anak ay sinasakmal ito ng matinding takot at nagdidiliryo umano.Iniimbestigahan pa kung walang naganap na foul play sa kasong ito.

BANDANG

BRGY

BUKIDNON

CIBULO

DAHILAN

INIIMBESTIGAHAN

KASUNOD

MALAYBALAY CITY

NOE CIBULO

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with