^

Probinsiya

Drug lord nakapuga sa kulungan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nakatakas sa kulungan ng Bureau of Jail Management and Penology kasunod ng isang shootout ang isang notoryus na drug lord sa Barangay Minanga, Aparri, Cagayan kahapon.?

Sinabi ni Sr. Insp. Ro­nald Balod, deputy chief of Police ng Aparri na kasama nila ang mga kagawad ng BJMP sa pagtugis sa puganteng si Larry Mabbun 46.

Si Mabbun ay may kinakaharap na kaso nang masamsam ang P.6 million na shabu at iba’t ibang klase ng armas sa kanyang drug den sa Barangay Macanaya noong nakaraang taon. ?

Lumalabas sa imbestigasyon na nakapuslit sa gate ng BJMP ang isang armadong kasabwat ni Mabbun at tinutukan ang bantay na si Jail Officer 1 Marjun Malana upang palabasin sa kulungan ang suspect dakong alas-7:00 ng umaga. Gayunman, nagkaroon ng sandaling palitan ng putok matapos mapansin ng isa pang guwardiya na si JO1 Richard Camagun ang nagaganap na pagpuga subalit nakatakas si Mabbun at kasabwat nito na si Larry Maddara sakay ng isang motorsiklo.

Ayon kay Balod, nakilala ng mga saksi ang kasabwat ni Mabbun base sa nakuhang CCTV footage sa bilanguan.?

Samantala, Candon City, Ilocos Sur, nasakote sa drug buy bust operation si Alawiya Macalibon matapos masamsaman ng 12 sachet ng shabu sa Barangay San Isidro. Sa ulat na nakarating kay Supt. Richmond Tadina, hepe ng PNP Candon; nakuha rin kay Macalibon ang cell phone na gamit nito sa kanyang transaksiyon sa pagtutulak at buy bust money na natanggap nito sa poseur-buyer.

ALAWIYA MACALIBON

APARRI

BALOD

BARANGAY MACANAYA

BARANGAY MINANGA

BARANGAY SAN ISIDRO

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CANDON CITY

ILOCOS SUR

MABBUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with