^

Probinsiya

CAFGU tinodas sa harap ng misis, anak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na pinaslang sa harap ng kanyang nag-iiyakang misis at mga anak ang isang off–duty na mi­yembro ng CAFGU sa isang liblib na lugar sa Purok Sampaguita, Malabog, Paquibato District, Davao City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Col. Romeo Brawner Jr., Spokesman ng AFP Eastern Mindanao Command ang nasawi na si Romelito Jumang-it, 34- anyos na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol na gad nitong ikinasawi.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3 ng hapon habang abala sa bukid ang biktima kasama ang misis nito at mga paslit na anak nang biglang dumating ang mga armadong rebelde.

Walang nagawa ang biktima matapos tutukan ng baril, kaladkaring paluhod at ratratin ng mga armadong rebelde na hindi man lamang pinakinggan ang pagmamakaawa sa buhay nito ng umiiyak nitong asawa at mga anak.

Bago ito, kamakailan lamang ay tinambangan ng mga rebelde ang isang hauler truck ng niyog sa kahabaan ng Puyat Road, Brgy. Cancavan, Carmen, Surigao del Sur na ikinasugat ng driver na si Jimmy Dales.

vuukle comment

BRGY

DAVAO CITY

EASTERN MINDANAO COMMAND

JIMMY DALES

PAQUIBATO DISTRICT

PUROK SAMPAGUITA

ROMELITO JUMANG

ROMEO BRAWNER JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with