Pangasinan, Davao Occidental nilindol
MANILA, Philippines – Umaabot sa magnitude 3.6 na lindol ang yumanig sa bahagi ng Pangasinan kahapon ng umaga. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang lindol sa layong 103-kilometro sa hilagang kanluran sa bayan ng Bolinao, Pangasinan. May lalim na 35km ang lindol na sinasabing nagmula sa tectonic plates. Samantala, niyanig din ng magnitude 3.8 na lindol ang Davao Occidental kung saan naramdaman ang sentro ng pagyanig sa may 38 km sa hilagang Silangan sa bayan ng Jose Abad Santos. Tectonic din ang origin mula sa lalim na 116 km. Wala namang iniulat na nawasak na ari-arian at maging ang mga inaasahang aftershocks.
- Latest