^

Probinsiya

2 drug lord timbog sa raid ng PDEA

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dalawang notoryus na drug lord ang nadakip kasabay ng pagkakakumpiska sa kanila ng mahigit P1.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang magkasunod na operasyon ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Tuguegarao City, Cagayan at Tabuk City, Kalinga kamakalawa. ?

Kinilala ni Supt. Francisco Bulwayan, hepe ng PNP Tabuk City ang nasakote na si Bong Addawi alias Bongtay ng Barangay Nambaran. Nagkakahalaga ng P1-milyon ang narekober na 500 gramong shabu sa pinagtataguan ni Bongtay nang galugarin ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni RTC Judge Victor Dalanao.?

Bukod kay Addawi, naaresto ang mga personalidad na nadatnan ng raiding team sa drug den na sina Jeffrey Danipog, 32; Peter Bam, 30; Luis Appag, 54; Ricky Bayog, 24 at Jefferson Sal-ao, 32, na pawang mga taga-Tabuk City.?

Sa Tuguegarao City,  nasakote sa isang drug bust ng PDEA si Jonathan Tamayo sa Zamora St., Barangay Bagumbayan matapos pagbentahan ng 50 gramong shabu na nasa 14 sachets at nagkakahalaga ng P 250,000. Ayon kay PDEA Regional Director Juvenal Azurin, si Tamayo na nasa target list ng PDEA sa rehiyon 2 ay matagal na nilang minamanmanan sanhi ng kanyang pagkakasakote.

BARANGAY BAGUMBAYAN

BARANGAY NAMBARAN

BONG ADDAWI

BONGTAY

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FRANCISCO BULWAYAN

JEFFERSON SAL

JEFFREY DANIPOG

JONATHAN TAMAYO

JUDGE VICTOR DALANAO

TABUK CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with