19 kadete ng ROTC, nalason
NORTH COTABATO, Philippines – Aabot sa 19 kadete ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ang nalason makaraang uminom ng tubig sa main campus ng Surigao del Sur State University sa Tandag City, ayon sa ulat. Ayon kay Rodrigo Gordo, PHO disease surveillance coordinator, ang mga biktima na itinalaga sa gaganaping Regional Annual Adimistrative Tactical Inspection ay nasa edad 16 hanggang 24-anyos mula pa sa Lianga campus kung saan naisugod sa Adela Serra-Ty Memorial Medical Center. Kinumpirma ni Dr. Algerico Irizari ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit na positibo sa coliform organism ang water sample na nainom ng mga biktima. Dahil sa insidente, inirekomenda ng PESU sa Tandag City Health Office at SDSSU na masusing suriin ang mga tubig-inumin sa idaraos na 2015 Caraga Regional Athletic Meet (CRAM) ngayong Pebrero 22 hanggang 27.
- Latest