^

Probinsiya

Amok: 1 dedo, 3 pa grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa katao ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan kabilang ang nag-amok na mister na nanaga ng kaniyang mga kapitbahay sa naganap na karahasan sa Brgy. Tulungatung, Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Benjamin Castillo, idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga City Medical Center.

Isinugod naman sa pa­gamutan para malapatan ng lunas ang mga sugatang biktima na sina Jimmy Rendon, 53-anyos, Martilina Castillo, 64-anyos at ang nag-amok na suspek na si Leonidish Bucoy, 32 taong gulang.

Sa ulat ng Zamboanga City Police, naganap ang insidente bandang alas-6 ng umaga matapos na mag-amok ang desperadong suspek na naghamon ng away, pinasok ang ta­hanan ng kaniyang mga kapitbahay saka nanaga gamit ang isang matalim na karit.

Napilitan namang lumaban si Rendon na tinaga rin ang suspek na nagtamo ng sugat sa kanang mukha, tiyan at kanang balikat. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na desperado ang suspek dahilan sa problema sa pamilya na nagbunsod sa pagaamok nito.

vuukle comment

BENJAMIN CASTILLO

BRGY

ISA

JIMMY RENDON

LEONIDISH BUCOY

MARTILINA CASTILLO

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

ZAMBOANGA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with