Killer ng brodkaster, habambuhay kulong
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Habambuhay na pagkabilanggo ang hatol ng mababang hukuman laban sa akusadong pumatay sa 48-anyos na brodkaster sa Iriga City noong Hulyo 9, 2010. Sa 11-pahinang desisyon ni Judge Timoteo Panga Jr. ng regional trial court Branch 60, pinatawan ng habambuhay ang akusadong si Eric Vargas na pangunahing suspek sa pagpatay kay Miguel “Mike” Belen ng dwEB-FM Iriga City. Bukod sa habambuhay na hatol ay pinagbabayad din si Vargas ng P50,000 sa naulilang pamilya ni Belen bilang exemplary damages. Nabatid na si Belen ay na-confine ng isang buwan sa ospital bago mamatay. Kasalukuyan naman nakalalaya pa ang kasama ni Vargas na si Gina Bagazina. Awtomatiko namang isusumite sa Court of Appeal bago sa Supreme Court ang apela ni Vargas para maging final ang desisyon.
- Latest