^

Probinsiya

Misis kinatay ng selosong ka-live-in

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 27-an­yos na misis makaraang pagsasaksakin ng seloso nitong lover sa Barangay Lopoc, bayan ng La­bason, Zamboanga del Norte kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Jecil Salundagi habang sumuko naman sa pulisya ang driver na suspek na si Melgray Obido, 33.

Base sa police report na isinumite kay P/Ins­pector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman, naganap ang krimen sa bahay ng magka-live-in.

Magkatabing natutulog ang magka-live-in ng sunud-sunod na tumunog ang cellphone ng biktima kaya magmamadali itong bumangon at binasa ang text messages ng lover nito.

Tinanong ng suspek ang biktima kung saan inagaw nito ang cellphone sabay na binasa ang text message ng lover nito.

Sumiklab ang mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin ng suspek ang biktima.

Samantala, nasu­ga­tan naman sa braso ang biye­nang babae ng biktima nang tangkaing pigilan sa pana­naksak ang suspek.

vuukle comment

BARANGAY LOPOC

DAHLAN SAMUDDIN

JECIL SALUNDAGI

KINILALA

MAGKATABING

MELGRAY OBIDO

NAPATAY

NORTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with