^

Probinsiya

2 Sayyaf utas sa bakbakan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group ang napaslang habang tatlo namang sundalo ang nasugatan sa naganap na sagupaan sa  bulubunduking bahagi ng bayan ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga. Sa ulat ni Col. Alan Arrojado, commander ng Joint Task Force  Sulu, naganap ang bakbakan dakong alas-9 ng umaga matapos pasukin ng mga sundalo ng Phil. Army ang balwarteng teritoryo ng Abu Sayyaf. Tumagal ng 30-minuto ang bakbakan kung saan napatay ang dalawang Sayyaf na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang tatlo namang sundalo ang nasugatan. Narekober sa encounter site ang 5 matataas na kalibre ng armas habang nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga terorista.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ALAN ARROJADO

DALAWANG

HABANG

JOINT TASK FORCE

NAREKOBER

PATIKUL

SAYYAF

TUMAGAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with