^

Probinsiya

6k mag-aaral sa Mamasapano di-pinapapasok

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa  anim na libung mag-aaral mula sa13 paaralan sa bayan ng Mamasapano, Maguinda­nao ang pansamantalang hindi muna pinapasok ng kani-kanilang mga magulang dahil sa takot na maapektuhan kaugnay sa pagmasaker ng mga rebeldeng Moro Islamic Li­beration Front (MILF) sa 44 miyembro ng PNP-Special Action Force  noong Enero 25, 2015.

Ito ang kinumpirma ni Autonomous Region in Muslim Mindanao regional executive secretary Atty. Laisa Alamia, batay sa datos ng ARMM HEART mula sa Department of Education-ARMM kung saan pinangangambahan ang pagresbak ng mga bandidong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) laban sa tropa ng pamahalaan.

Umapela naman si Atty. Kirby Abdullah, assistant regional secretary sa probinsya ng Maguindanao sa publiko na tigilan na ang pagkakalat ng mga maling impormasyon o spekulas­yon kaugnay sa nasabing insidente.

Pangunahing concern ngayon ng regional go­ver­n­ment at office of the Maguindanao Governor na maibalik na sa normal ang kabuhayan sa bayan ng Mamasapano at mapadali ang pagbabalik ng mga residente sa kanilang bahay at muling makapag-aral ang mga kabataan.

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

DEPARTMENT OF EDUCATION

KIRBY ABDULLAH

LAISA ALAMIA

MAGUINDANAO GOVERNOR

MAMASAPANO

MORO ISLAMIC LI

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with