^

Probinsiya

30 SAF, BIFF utas sa Maguindanao encounter

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Umaabot sa 30 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi matapos salakayin ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng mga rebelde sa Brgy. Pidsandawan, Mamasapano, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa sketchy report, nagsimula ang engkuwentro ng alas-9 ng umaga nang pasukin at salakayin umano ng SAF at tropa ng militar ang kampo ng BIFF at Moro Islamic Liberation Front.

Habang sinusulat ang ulat na ito ay nagpapatuloy pa ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga rebelde mula sa 118 at 105 based command na pinamumunuan umano nina Kumander Resbak at hindi mabilang na tropa ni Kumander Visayan.

Nabatid na dalawa umano sa mga rebelde na tauhan ni Kumander Resbak ng 105 based command ang kabilang sa mga nasawi sa barilan ang kinilala lamang sa mga pangalang Kansa at Sala.

Sa huling ulat, 9 na rebelde ang naaresto ng mga awtoridad sa pagsalakay.

Nabatid na tatlong high powered firearms ng SAF ang narekober ng grupo ni Kumander Visayan.

Sa panayam kay P/Sr. Supt. Danilo Peralta, Cotabato Police Provincial Director, sinabi nito na agad niyang inalerto ang buong kapulisan sa lalawigan ng North Cotabato upang mapigil ang anumang posibleng pag- spill over ng nasabing sagupaan sa Maguindanao.

Patuloy na kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines at PNP ang bilang ng mga casualties.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

COTABATO POLICE PROVINCIAL DIRECTOR

DANILO PERALTA

KUMANDER RESBAK

KUMANDER VISAYAN

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with