Magnitude 5.2 lindol tumama sa Davao Occidental
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayong Miyerkules ng hapon.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa 29 kilometro hilaga-silangan ng bayan ng Sarangani ganap na 1:20 ng hapon.
May lalim na 49 kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity 4 sa General Santo City at Don Marcelino sa Davao Occidental, habang Intensity 3 sa Davao City; Digos City, Davao del Sur; Alabel at Kiamba, Sarangani; Tagum, Davao del Norte at Intensity 2 sa Kidapawan City .
Nagbabalaa ng Phivolcs sa aftershocks na maaaring maranasan.
Samantala, nakapagtala rin ang Phivolcs ng magnitude 5.5 earthquake sa 70 kilometro timog-kanluran ng Palimbang, Sultan Kudarat kaninang 4:33 ng umaga.
Walang naitalang intensity dahil sa lalim ng lindol na 620 kilometro.
- Latest