^

Probinsiya

Mixer vs trike: Mag-iina patay, mister kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Magkakasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-iina habang kritikal naman ang mister nito matapos na sumalpok ang sinasakyang traysikel sa cement mixer sa kahabaan ng highway sa Barangay Caret, Tarlac City, Tarlac kamakalawa.

?Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Felix Verbo Jr., hepe ng Tarlac City PNP, kinilala ang mag-iinang namatay na sina Gemalyn de Guzman, Andrea de Guzman, 4; at si Arnel de Guzman, 5 habang nakiki­paglaban kay kamatayan ang mister nitong si Angelo de Guzman na nagmaneho ng traysikel.

?Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nawalan ng kontrol si Angelo sa pagmamaneho ng traysikel sa bahagi ng accident prone area ng highway kaya sumalpok sa kasalubong na cement mixer na minamaneho ng kaanak niyang si Wally de Guzman.

?Naaresto ng pulisya ang driver ng mixer na nahaharap sa kasong criminal.

ANDREA

ANGELO

ARNEL

BARANGAY CARET

FELIX VERBO JR.

GEMALYN

GUZMAN

MAGKAKASABAY

TARLAC CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with