Ex-Dumaguete treasurer 10 taon kulong sa overpriced na timbangan
MANILA, Philippines – Halos 25 taon na ang nakalilipas ngunit nahabol pa rin ng batas ang isang dating treasurer ng Dumaguete City para sa kasong graft sa Sandiganbayan.
Hinatulan ng anti-graft court si Ofelia Oliva ng 10 taong pagkakakulong dahil sa overpriced na weighing scale noong 1990, kung saan hindi pa ito dumaan sa public bidding.
Sa 24-pahinang desisyon ni Associate Justice Samuel Martires nakasaad na overpriced ng P59,820 ang weighing scale na binili sa halagang P130,000 noong Abril 1990.
Lumabas din sa imbestigasyon na iba ang materyales ng overpriced na weighing scale sa nakasaad sa request na pinaaprubahan.
Napag-alamanan din na palyado ang weighing scale, walang serial number at hindi gawang Japan tulad ng inaprubahan.
- Latest