Tower ng NGCP, pinabagsak
NORTH COTABATO, Philippines —Naghasik na naman ng karahasan ang mga rebeldeng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters matapos pasabugin ang isa na namang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa bahagi ng Sitio Punol, Barangay Batulawan, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni North Cotabato Provincial PNP Office Director P/Senior Supt. Danilo Peralta, dakong alas-8:10 ng gabi nang pasabugin ang transmission line number 41 ng NGCP na may ilang kilometro ang layo sa Batulawan Elementary School.
Nabatid na nilagyan ng dalawang improvised explosive device na may dalawang bala ng 81mm, 9 volts battery at cellphone bilang triggering device ang nasabing tore.
Dahil sa pagsabog, bumagsak ang transmission line ng NGCP kaya nagdulot ng panibagong blackout sa North Cotabato at Maguindanao.
Ito na ang ikalawang pagpapasabog sa Transmission line ng NGCP noong nakaraang Martes ng gabi (Enero 13) ay pinasabugan din ang transmission tower #26 sa Barangay Galakit, bayan ng Pagalungan, Maguindanao.
Kaugnay nito, inihayag naman ni Captain Jo-ann Petinglay, spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division ay ipinakalat ang tropa ng Army’s 7th Infantry Battalion sa nasabing lugar upang mapigilan ang posible pang pananabotahe ng BIFF rebs.
- Latest