Medical mission sa Cavite
MANILA, Philippines – Tinatawagan ni Senator Nancy Binay, sa pakikipag-ugnayan kay Cavite Governor Jonvic Remulla at medical volunteer group Faces of Tomorrow (FOT), ang mga batang may cleft lip/palate na nakatira sa Cavite at kalapit na lugar para sa idaraos na libreng surgical at dental mission mula Jan. 18-23, 2015 in Trece Martires City, Cavite.
Kasalukuyang ginagawa ang screening sa mga pasyente sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital sa Trece Martires City at pinalawig pa para ma-accommodate ang mga walk-ins hanggang Jan. 21, 2015.
Para sa karagdagang impormasyon, ang mga interesado ay maaaring tumawag kay Dr. Evol Salazar, 8 a.m.- 5 p.m., sa nasabing ospital o sa tel. nos. (046) 419-1713 to 16.
Ang medical mission ay sinuportahan ng Junior Chamber International (JCI), City Government ng Trece Martires at General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital.
- Latest