^

Probinsiya

Bus sumalpok sa puno: 3 dedo, 24 sugatan

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO, Philippines – Tatlo katao kabilang ang isang sanggol ang nasawi habang 24 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang isang pampasaherong bus sa isang puno sa tabi ng highway sa bayan ng Aleo­san, North Cotabato nitong Biyernes.

Dead-on-the-spot sa insi­dente si Clarita Sereno, 76- anyos habang binawian naman ng buhay sa pagamutan ang konduktor ng bus na si Danilo Daniel at ang 7-buwang sanggol na si Regine Earl Sanson.

Sa ulat ni Chief Inspector Orlita Patrona, hepe ng Aleosan Police, naganap ang insidente sa kahabaan ng highway ng Brgy. Pagangan sa nasabing bayan pasado alas-10 ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, ang Weena bus ng Bachelor Express na sinasakyan ng mga biktima ay galing Davao City patungo sa lungsod ng Cotabato nang mag-overtake sa isang tractor drawn trailer pero sa kamalasan ay sumalpok sa malaking puno ng acacia sa tabi ng highway sa nabanggit na lugar.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng matin­ding sugat sa katawan ang matanda na agad binawian ng buhay sa insidente.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga na­sugatang biktima pero dalawa pa sa mga ito ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nasa kritikal namang kondisyon ang driver ng bus na kinilalang si Loreto Villa­rama na kabilang sa mga nasugatan.

Isinasailalim pa sa im­bestigasyon ang kaso.

vuukle comment

ALEOSAN POLICE

BACHELOR EXPRESS

CHIEF INSPECTOR ORLITA PATRONA

CLARITA SERENO

DANILO DANIEL

DAVAO CITY

LORETO VILLA

NORTH COTABATO

REGINE EARL SANSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with