Suspek sa stray bullet shooting, kinasuhan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pormal nang kinasuhan ng pulisya ang pangunahing suspek sa stray bullet shooting incident kung saan napatay ang 11-anyos na nene sa bayan ng Tayum, Abra noong kasadsaran ng Bagong Taon. ?
Sa pahayag ni Abra PNP Director P/Senior Supt. Albertlito Garcia, kasong homicide at alarm and scandal ang kasong isinampa laban sa suspek na si Henry Trinidad Tejero, kaanak at personal driver ni Tayum Municipal Budget Officer Elva Tejero.?
“Ang pagkakadawit ni Tejero ay binigyang diin ng mga pahayag ng mga nakasaksi, ang trajectory examination ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at mga circumstantial evidences na nakalap sa ebidensya ng pulisya,” paliwanag ni Garcia.?
Ayon kay Garcia, ang suspek ay tumangging pasailalim sa polygraph at paraffin test noong inanyayahan ito ng pulisya bilang isa sa mga itinuturo ng saksi na nagpaputok ng cal. 45 pistol noong Bagong Taon. ?
Kasama ang ama ng biktima na si Efren Tabaday at si Vice Mayor Bienvenido Adelantar Dion Jr. nang anyayahan ng pulisya sa magkahiwalay na pagsisiyasat ukol sa kaso subalit negatibo ang kinalabasang resulta ng mga ito.?
Sa tala ng pulisya, namatay si Jercy Tabaday matapos itong tamaan sa ulo ng ligaw na bala ng baril sa Barangay Bumagcat noong Kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Matatandaan na nagpalabas ng P.2 milyong pabuya ang pulisya at si Abra Governor Eustaquio Bersamin sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa suspek.
- Latest