Sari-sari store owner, itinumba
MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 50-anyos na may-ari ng sari-sari store matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang gunman sa Barangay Old Labangan, bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi. Napuruhan ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa dibdib na naglagos sa likuran ng biktiman si Julieta Gore. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima nang lapitan at ratratin ng gunman na nakasuot ng itim na bonnet. Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang naganap na pamamaslang na pinaniniwalaang may kaugnayan sa negosyo ng biktima.
- Latest