^

Probinsiya

Police chief utas sa grupo ng tulak

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Napaslang ang hepe ng pulisya sa Gene­ral Mariano Alvarez, Cavite matapos itong rumesponde sa grupo ng drug pusher na walang habas na nagpapaputok ng baril sa Barangay Delas Alas sa nabanggit na bayan kamakalawa ng gabi.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang napatay na opisyal ng pulisya na si P/Senior Inspector Leo Angelo Llacer habang namatay din ang isa sa drug pusher na si Mando Luminog.

Bandang alas-7:30 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang pulisya kaugnay sa nagaganap na indiscriminate firing  ng grupo ni Romeo Villaganas Jr. sa nabanggit na barangay.

Kaagad na rumesponde ang pangkat ng pulisya sa pamumuno ni P/Senior Inspector Llacer.

Nang dumating ang pang­kat ng PNP sa bahay ni Villaganas ay agad nagpakilala si Llacer na hepe ng General Mariano Alvarez PNP.

Gayon pa man, isa sa mga drug pusher ang bigla na lamang nagpaputok sa bintana kung saan tinamaan sa dibdib ang nasabing hepe kaya nauwi sa shootout ang insidente.

Sa kasagsagan ng putukan ay napatay naman si Luminog kung saan inabandona ng mga kasamahan nitong mabilis na nagsitakas.

Nagawa pang maisugod sa Dela Salle Hospital si Llacer na sinasabing magdaraos ng kaarawan kahapon pero idineklara na itong patay.

Nakatakas naman si Villaganas na sinasabing notoryus na drug pusher sa nabanggit na bayan.

Narekober sa loob ng bahay ni Villaganas ang mga drug paraphernalia at iba’t ibang basyo ng mga bala ng baril kabilang ang M16 rifles.

BARANGAY DELAS ALAS

CAMP CRAME

DELA SALLE HOSPITAL

GENERAL MARIANO ALVAREZ

LLACER

MANDO LUMINOG

MARIANO ALVAREZ

ROMEO VILLAGANAS JR.

VILLAGANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with