Baril ng vice mayor negatibo sa ballistic exam
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nakahinga ng maluwag si Vice Mayor Bienvenido Adelantar Dion Jr. matapos lumabas sa ballistics examination na negatibo ang kanyang cal. 45 pistol sa pagsusuri ng PNP Crime Laboratory Service kaugnay sa pagkamatay ng 11-anyos na nene na tinamaan ng stray bullet sa Barangay Bumagcat, bayan ng Tayum, Abra noong kasadsaran ng pagdaraos ng Bagong Taon.
Magugunita na isinuko ni Vice Mayor Dion ang kanyang lisensiyadong cal.45 pistol sa hepe ng Tayum PNP na si P/Chief Insp. Daniel Guimbaoan Bandoc noong nakalipas na linggo para sa isailalim sa pagsusuri ng crime laboratory.
“Ang negatibong pagsusuri sa aking cal. 45 pistol ay pruwebang magsasaad na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng aking kabarangay na si Jercy Tabaday na tinamaan sa ulo ng ligaw na bala noong kasadsaran ng pagdaraos ng Bagong Taon,” pahayag ng vice mayor
- Latest